Tula 101

e2 dapat ung reply ko dun sa friend kong may malalim na problema sa usaping puso. pero hindi ko din nabigay at napabasa sa kanya. baka kasi kung anong isipin nun sa akin. hindi pa naman ako gumagawa na ganito. hehe. balak ko sanang tapusin kaso naisip kong hindi ko naman din mabibigay kaya parang putol sa dulo. hehe. kacornihan lang yan. hehe.

mga bituin nga naman, sadyang walang katulad;
laging kumikinang, saan ka man mapadpad;
ngunit ang mga bituin, pinagmumulan din ng kawalang pag-asa;
emosyong ‘di tanggap, sana mga bituin na lang ang nakadama.

pananaw sa buhay mo’y nagbago;
sana ‘di na lang maialis ang damdaming ito;
nais mong tanungin sa kanya kung bakit nagkaganito,
“ano bang nagawa ko?! ampotah naman o!”

mahirap tanggapin ang katotohanan,
kung pareho kayong sadyang nahihirapan;
gusto mo nang gumising sa isang bangungot,
laman lamang ay pahirap at lungkot.

mapaglaro ang tadhana, ika nga;
“‘di ko na ito gusto! sumusobra na yata?!”;
“bakit?!” — sa sarili, parati mo na lang tanong;
‘di alam kung ang pagtatanong, saan hahantong?!

huwag mong sisihin ang iyong sarili!
wala namang may kasalanan, ako nang nagsasabi…
‘di mo naman kagustuhan ang ganitong buhay,
siya, na nagbigay sa buhay mo ng kakaibang kulay(?)

mahirap sabihin, dahil wala ako sa katayuan mo;
“very disturbing” pero nagpakatotoo lang ako!
ang magkaroon ng “guts” na sabihin ang bagay-bagay,
hanga ako sayo! at yan ang tunay!

at ngayong gumawa ako ng tulang tulad nito,
sana naintindihan mo, ang mga saloobin ko.
lumabas nga uli ang ka-cornihan ko,
hindi ko nga na-imagine na gagawa ako ng ganito.

~ by pipsqueak08 on 30 June 2008.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: