Minamahal Kong Anak

Another thing sent in my email.

Minamahal kong anak,

Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko na shampoo, ayaw bumula. Nakasulat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Kakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at nakalimutan kong banggitin sa iyo taga Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan ako sa TV ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english ang Kulangot. Di ko nasagot… ikaw anak, alam mo?

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha.

Love,
Tatay

P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisend ko na ang envelope. Next time na lang ha.

~ by pipsqueak08 on 24 June 2008.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: