Devastating Out Of Town Trips

Naalala ko lang ung mga nangyaring kaweirdohan nung out-of-town trips namin dati sa school nung elem at high school. Dala lang cguro ng walang field trip pag college at hindi pagsama sa reco nung 4th year. hehe. Nakakamiss lang.

GRADE 1
Last stop ng trip, pumunta kami ng plantation ng coke. Libre ung supply. Wantusawa. Una, uminom ako ng isang 8oz ng coke na binigay sa lahat. E dahil sa impluwensya ng teacher at mga kaklase ko, naki-join ako sa pag-refill ng kani-kanyang jug. Sa kasamaang palad e marami pang tubig ang water jug ko. E sa sobrang kabaitan ko e natakot akong sayangin ung laman. Kaya ininom ko ung tubig hanggang sa makakaya kong ubusin. Sa patpatin kong e2, hindi kinaya ng powers ko. Kala ko kaya ko. Para lang makakuha ng coke, ginawa ko un! Ayun. Nilabas ko lang lahat ng nainom ko. Alam mo na. Wala din kwenta. Ang malunkgot pa dun, hindi din ako nakapag-refill kasi aalis na ung bus. Masama loob ko nun. Hindi na nga ako nakapag-take home ng isang jug ng softdrinks nag-iwan pa ako ng dumi sa may kanal dun. Ngayon ko lang na-realize sana tinapon ko nalang ung tubig sa kanal. Bleh!

GRADE 2
Naiwala ko ung safety pin ng class number ko. Kaya un dahil takot akong mapagsabihan, pinilit kong ipasok ung butas ng number sa butones ng damit ko. Naiwala ko din ung number cguro sa dahilang ipinagmamalaki ng teacher ko nun na malapit ung bus sa simbahan kung saan dati ikinasal si sharon at gabby. Nakatingin kaming lahat sa simbahan. Baka habang naglalakad kami e nahulog ung number ko. Nawala din ung atensyon ko kasi pumunta naman kaming planetarium.

GRADE 3
Pumunta kaming eat buluga. Waw! Instant celebrity hunting. Ayun nakita ko ung mga taong bumubuo sa production ng show nila kasama na dun ung mga artista. Nagperform pa si andrew e nun. Kaya nung umuwi ako, tinanong ako ng tito ko kung sino mas gwapo, xa o si andrew e. Hindi ako nakasagot.

GRADE 4
Sa isang public swimming pool ang last stop namin. Takot ako kasi hindi ako marunong lumangoy. E ayokong maging kj kaya napilitan akong sumuong sa tubig kahit na hanggang leeg ko ung tubig. Buti na lang e may kaklase akong hindi rin marunong lumangoy kaya kaming 2 ang laging magkasama. Ayun. Naging masaya naman kahit nahulog sa sahig ung isang fried chicken ko at nawala ung shorts ko habang nagshashower. May pangalan naman, bakit kaya nawala? Hindi ko alam kung saan napunta. E may kung anong espiritu ang dumapo sakin, kinuha ko ung shorts ng iba. wuhahaha! Umitim kaming lahat. Sunburn. Next day habang nasa gym, naretrieve ko ung missing shorts ko, inabot sakin ng teacher. Ano kayang nangyari sa kinuhaan ko ng shorts? Hmm. hahaha!

GRADE 5
Worst field trip ever. Hindi lang napuno ang pantog ko sa haba ng byahe puntang pampanga. Na ikana-sama ng pakiramdam at ikina-wala ng dangal sa sarili ko. Ever. Basta. Un pa ung nasugatan ako sa isang ride sa phil expo. Sa siko at sa tuhod. E ang ipinunta lang naman namin dun e yung parang ’science centrum’ trip. E di sana sa maynila nalang kami!

GRADE 6
Pumunta kami sa philippine famous na pagawaan ng pencil at crayola. Nakaka-high ung amoy. Para kang naka-droga. E hindi un ang highlight ng story. May sore-eyes ako nung araw na un. O dba? Nagkakalat pa ako ng mikrobyo. Kamusta naman! At nagkakatotoo nga. Nakapagdala ako ng epidemya sa isang kaklase ko. Dahil isa ako sa few people na nagrenta ng telescope para sa isang miniature story telling ng life ni jesus sa may shang-rila. Ang lakas ng loob kong magrenta! Ano pa nga bang gagamiting ’sense’ sa paggamit ng telescope? And the rest is history.

1ST YEAR
Tungkol sa reco. 1st time ko sa reco, at overnight. E syempre lumalabas ang kung anu-anong kakababalaghang istorya tuwing gabi. Katripan ng mga kaklase ko. Marami kami sa isang kwarto. 10 ung kama. Ung mga malapit sa bintana at ung mga nakaharap ang paa sa pinto naki-siksik samin. Baka daw hilain ang paa nila! omg! Ang dating pang-isang tao sa kama, naging pang-dalawa na. Konting galaw, lahat magigising. Lalo na ako kasi konting usog, hulog ako sa kama. At sa hindi malamang kadahilanan walang nagbukas ng nag-iisang electric fan.

2ND YEAR
Reco ulet. At katatakutang pang-reco ulet. Pero at least strictly 1 person-1 bed. Masaya din kasi 1 cr per room. 3 bed per room. Sa kabilang kwarto nga lang e walang natulog dahil sa cr daw nila e nagkaroon daw ng shower of rose petals nung may nag-reco din noon na taga-ibang section. Freakingly unreal!

3RD YEAR
Balik sa field trip. Dami dress code violators. Strictly complete PE uniform. May nagpaputol ng t-shirt para maging blouse. May nag-pants. As for me, naka-slippers ako. Batas ako e. Next day, nasa log-book na mga names namin. Batas pala ah. haha! Nanood kami ng ballet presentation sa aliw theater. At kahit umuulan hindi papigil ang mga estudyante sa pagpuntang star city. E taga-ibang section ako sumama, wala ako idea kung paalis na ung bus namin. Pero kahit ganun man, kahit konti nalang ung tao, pumila pa rin kami sa isang water ride. E ano pa nga ba. Tama hula ko. Ako nalang ung hinihintay ng bus namin para umalis dun. Kakahiya un.

4TH YEAR
CAT bivouac. May proposal ung school na girls muna ung 1st batch dahil in the previous incidents pag 2nd batch ung girls, inuulan cla lagi, boys hindi. Walang kwenta ung proposal. inulan pa din kami. And guess what, yung boys hindi. 1st day highlight: compass activity, walang nakagawa. Pagluluto ng kanin sa bamboo, matigas ung kanin, ulam lang kinain. 10 kami sa isang maliit na tent. Umulan. Walang tulog. 2nd day: 3 hours hiking on a wet land. Nababad ung paa ko sa isang mud pit. No choice, lakad pa din kahit mabigat ung feeling. May repelling na hindi ko sinubukan. Takot ako at the same time hindi na kaya sa powers ko kasi walang tulog. Other rope activities. Pagod lahat. Umulan ulet, walang tulog ulet. 3rd day: Wala ng kainan. Pagod lahat. Isa lang award ng section namin out of 10 possible activities. Sad. Nung paalis na kami, hindi na umuulan. ang saklap.

~ by pipsqueak08 on 19 June 2008.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: